Archive for January, 2007

mga bumubulong sa main lib..

Thursday, January 18th, 2007

grabe lang yun! pumunta ako ng main lib para tumambay. at xempre dun ako sa favorite hangout ko, sa social science section. naisipan ko na ring magbasa sa polsci malapit na kasing mag-exam. at dahil alam naman nating lahat kung gaano ako katamad magbasa, nakakaisang page pa lang ako eh naisipan ko munang umidlip. nandun na ako sa "medyo malapit nang ma-unconscious phase" ng biglang may bumulong sa ken. isipin nio yung sigaw nung batang multo sa the grudge, ganun yung narinig ko. naramdaman ko rin yung hangin sa tenga ko. nawala ang ’sobrang antok’ mode ko at bigla akong napadilat. wala namang tao sa gilid ko. inangat ko ang ulo ko at tumingin sa paligid, parang normal lang naman ang lahat, nagsusulat pa rin yung babaeng nakaupo sa kabilang dulo ng malaking mesang inuupuan ko. seryoso pa ring nagmi-meeting yung isang grupo sa likod ko at tahimik pa ring nagbabasa yung babaeng nakaupo sa kabilang mesa. grabe na yun! bigla akong natakot. first time ba ‘to? ay naku po… natakot talaga ako at dire-diretso nang lumabas ng main lib.

so ano ang lesson for the day??

‘wag matutulog sa main lib!!!!

kamusta naman di ba?

bad hair day (the chorvaness of life…)

Tuesday, January 16th, 2007

di naman talaga ako bad hair day ngayon. may chorva lang kasi. hahaha! sige na nga share ko na. walang nakapansin na nagpagupit ako mula pa kahapon. i always recieve comments from people na ang haba na ng buhok ko (i get like two or more comments a day). but on the the brighter side of it, wala ng bumabati sa kin na ang haba ng hair ko (hindi ko kasi alam kung pano mag-respond sa ganito eh…). nakakatuwa lang, parang alam din naman nila kasi wala ding bumati (ang galing ‘no! na-amaze lang talaga ako!) sabagay, mga five-six inches lang naman ang nabawas.

anyways, formal interview na ng apps bukas.. goodluck sa inyo! kaya niyo yan! gogogo! (^_^) basta keri lang yan.

france, kamusta na yung chorva naten sa 111 basta text mo ko, ok? ay magkikita nga pala tayo bukas. ayun pag-usapan na natin. kelangan ma-chorva na ‘to para maipasa sa friday! kaya natin ‘to! kelangan na ding mahanap ang mga nagdi-disappearing act sa groupness natin!

ayun, nakita ko nga pala high school friends ko nung saturday night! hehehe! na-chorva din nila ang kahabaan ng buhok ko (di pa ako nagpapagupit that time).. ayun miss ko na kayo! MJ, xenxa di ako nakasipot nung usapan natin nung sunday, umalis kasi kami. sorry po talaga..)

cge na, magbabasa pa ako sa pol sci! ang chorva talaga! exam na next week, chapter 1-8. waaay, pa’no na naman ako makaka-survive! basta ayun lang.

ang chorva!

Soufflelyriquefluorose

the day after the new year’s day

Tuesday, January 2nd, 2007

a very tiring and energy-draining january 2. nagbalikan kami from QC to la union then back to QC. 15 hours din akong nagta-travel pero may mga stop-over naman. at feeling ko nasa isang umaandar na sasakyan parin ako kahit na nakahiga na ako para magpahinga. anyways, pumunta naman kami ng manaoag! (^_^) woke up at four AM to start the long journey. we came back at 12:30 AM. whew!

anyways, wahahaha! pasok na naman bukas! that means i will be going back to the college/busy student mode. ahem.. hay, sandamakmak na readings na naman ang nagihihitay para mabasa ko. aral uli. aral. hay.. kahit na hindi ako masipag mag-aral. haay, keribels lang yan..being a college student is not just a walk on a park. it’s much harder than that. it’s like walking in a thin rope fifty feet from the ground while trying to balance a stick with sixty pounds on each end. see? it’s that hard! hehehe!(^_^) that’s why i have to work on my discipline so that i can walk on the other end of the rope with my head up high and my knees not wobbling. hay.. Imga0466

^ mt. arayat from the north expressway

Imga0481 Imga0482

^^ la union at last!

Imga0530_2

^^^ katipunan corner p. tuazon at 12:30 am  (hay, malapit na akong umuwi.)