Archive for July, 2007

kanta.. kanta..

Saturday, July 28th, 2007

Title: Only Reminds Me Of You
Album:
Artist: M.Y.M.P.

I see you, beside me
It’s only a dream
A vision of what used to be
The laughter, the sorrow
Pictures in time
Fading to memory

How could I ever let you go
Is it too late to let you know

Chorus:
I tried to run from your side
But each place I hide
It only reminds me of you
When i turn out all the lights
Even the night
It only reminds me of you

I needed my freedom
That’s what I thought
But I was a fool to believe
My heart breaks while you cried
Rivers of tears
But I was too blind to see

Everything we’ve been through before
Now it means so much more, yeah

[repeat Chorus]

Only you

Please come back to me
I’m down on my knees
Oh can’t you see

How could I ever let you go
Is it too late to let you know

[repeat Chorus]

chorva, eklavu, at iba pa ditech!

Sunday, July 1st, 2007

Minsan naisip ko ano kaya kung iba ang course ko. Natawa ako sa sarili kong sagot. Sabi ko kasi sa sarili ko, kung iba ang course ko, malamang nagshi-shift na rin ako ngayon. Saan? Hindi ko alam. Paano nga kaya kung iba ang course ko? Kaya ko kayang matagalan ang course na yun (kung ano man siya)?

Minsan naisip ko, kung iba ang course ko, malamang hindi ko nakilala ang barkada ko ngayon. Kung papalarin man, baka naging classmate ko lang sila sa isang subject o nakatabi sa jeep o sa linya at itatanong ko sa kanila, “anong course mo?”. Malamang maguluhan ako sa isasagot nila at may follow-up question akong “ano yung ginagawa ng course mo?” malamang din na kahit maging classmate ko man sila, baka hindi ko naman sila maging close.

Minsan naiisip ko, pano nga kaya kung iba ang course ko at di ko naging close ang mga mare ko. Kung san man akong course napunta at nagkaroon ako ng kaibigan, baka ang tawag ko sa kanila ‘friend’, ‘hoy’, ‘superfriends’, o ‘barkada’. Baka bumuo rin kami ng kunwariang pamilya at meron akong mommy, ate, anak, at lola sa mga kaibigan ko, pero sa tingin ko, walang ‘mare’. Walang kumare na pag pumasok ako ng classroom namin at sumigaw ng “MARE!!!” ay walang ilang mga mukha na lilingon sa kin at magtuturuan kung sinong ‘mare’ na ang bainabanggit ko sa kanila. Wala sigurong mga mare na mula freshman ay kaibigan ko na at ilang beses ko na ring nakasabay kumain, mag-enroll, kumuha ng klase, classcards at readings. Wala rin sigurong mga mare na lagi kong groupmates at kasama kong mag-field trip.

Minsan naisip ko, pano kung naligaw nga ako ng kurso, makikilala ko pa kaya ang batchmates kong lagi akong binabati ng may ngiti sa labi at madadaling kausapin. Makikilala ko pa kaya yung mga taong kahit hindi ko laging kasama, pag nakita ko ay kaya kong makipagkwentuhan ng ilang oras na hindi man lamang nabo-bore. Yung mga taong kaibigan din ang tingin sa’yo, tulad ng tingin mo sa kanila, iba-iba man kayo ng taong madalas kasama.

Makikilala ko rin kaya ang mga propesor ko na nakakatakot, nakakatuwa, nakakakilig, at talaga nga namang nakakamangha kapag nagsalita tungkol sa topic namin sa klase. Makikilala ko rin kaya ang mga org mates ko na makukulit at masasayang kasama na parang hindi rin ako kaiba sa kanila. Hindi ko rin siguro makikita at makikilala ang mga crush at naging crush ko sa kolehiyong ito. Hindi ko man lang siguro sila makakakwentuhan at hindi ko siguro sila mangingitian sa tuwing nakikita ko sila. Mapupuntahan ko kaya ang gusaling kinatatayuan ng kolehiyo namin kung naging iba ang kurso ko. Malalaman ko kaya na ang reserved section ng library namin ay nasa ikalawang palapag at sa 2nd floor din lang ng library makikita photocopy machine.

Minsan naiisip ko kung ano nga kaya ang nangyari kung sa ibang kurso ako napunta. Maisip ko man ang lahat ng possibilities, alam ko nandito na ako. Kung babalikan ko man siguro ang panahon na naga-apply palang ako noon sa paaralang pinapasukan ko ngayon, hindi ko siguro lubos maisip kung bakit ko pipiliin ang kurso ko ngayon (hindi ko naman talaga yun pinili). Hindi ko man lamang siguro madadaanan ng tingin ang kursong ito. Siguro nga hindi ko buong desisyon ang pagpili at pagpasok sa kursong ito. Pero alam ko buong desisyon ko ang tapusin ang kursong ito, may career man ako o wala matapos nito.

Minsan naiisip ko, ano nga kaya ang buhay ko kung iba ang naging course ko…