i am a what?!

April 20th, 2007 by haybuhay

took a quiz about the world view, eto daw ako.. ahummm..

You scored as Postmodernist. Postmodernism is the belief in complete open interpretation. You see the universe as a collection of information with varying ways of putting it together. There is no absolute truth for you; even the most hardened facts are open to interpretation. Meaning relies on context and even the language you use to describe things should be subject to analysis.

Postmodernist

100%

Existentialist

94%

Materialist

94%

Cultural Creative

69%

Fundamentalist

56%

Idealist

56%

Modernist

50%

Romanticist

50%

What is Your World View?
created with QuizFarm.com

haay…

March 30th, 2007 by haybuhay

haay.. tapos na ang sem ko… and im glad it was over!I

sundo

March 24th, 2007 by haybuhay

SUNDO

imago

I.
Kay tagal kong sinusuyod ang buong mundo
Para hanapin, para hanapin ka
Nilibot ang distrito ng iyong lumbay
Pupulutin, pupulutin ka

Rerfrain:
Sinusundo kita,
Sinusundo

Chorus:
Asahan mong mula ngayon pag-ibig ko’y sayo
Asahan mong mula ngayon pag-ibig ko’y sayo

II.
Sa akin mo isabit ang iyong lumbay
Di kukulangin ang ibibigay
Isuko ang kaba tuluyan kang bumitaw
Ika’y manalig
Manalig ka..

Refrain:
Sinusundo kita
Sinusundo

Chorus:
Asahan mong mula ngayon pag-ibig ko’y sayo
Asahan mong mula ngayon pag-ibig ko’y sayo

Handa na sa liwanag mo
Sinuyod ang buong mundo
Maghihintay sayo’ng sundo

nagpagupit din ako sa wakas!!

March 18th, 2007 by haybuhay

matapos ang mahigit apat na pagpapagupit ng walang nakakapansin, nakuha ko rin ang hair style na trip ko na talagang napansin din ng lahat! ahahaha!

one week of regular classes left pero sobrang dami parin ng gagawin.. at pagnatapos na ang last week ko of the second sem, i will still have to face four exams a week after that.. whew! may practical exams pa.. idagdag pa ang papers, papers, papers.. haggardness to the highest level talaga…

and after this sem.. i will have a week of peace during the holy week and then i have to get ready for my summer classes!! keri lang, keri lang…

hay, puro election sa paligid… nag-aaway away pa! basta isa lang ang masasabi ko, i have the right to vote whoever i want to vote, and you don’t have the right to react just because i dont plan to vote for you. remember, that i have the capability to decide who i think will serve the best interest of the organization and i think it’s not you. thank you. (^_^) (ps, wala naman akong pinatatamaan, nagda-drama lang ako, with my new hair, payagan nio na!)

oh well.. what’s the reason behind the new hair cut? ahmm… depressed with a capital D.. naks! (^_^) eh yun naman kasi yung mostly sinasabi ng tao when they get a new haircut, im just making it a reality.

oh well, kung sinabi ni vane, "i hate him with passion,"

ang akin naman, "i miss someone with passion!"

ps, ang matamaan sa iba kong sinabi, GUILTY!!

haggardness part 2… (tinulugan pa ng groupmates)

March 1st, 2007 by haybuhay

it’s 2 am in the morning… at nagmu-multi-tasking pa din ako.. consolidating the socio paper while doing the case analysis and blogging and texting jhe on the side.. hay.. ang sakit sa likod… may hang-over pa ko from the field trip kahapon… at grabe lang yun.. natulugan na ko ng groupmates ko.. hehehe! senxa na kung nangungulit pa din ako sa text kahit na alam kong hindi na kayo nagrereply dahil feeling ko tulog na kayo… anyways, france, yung case sa PA111, dahil sa hindi ka na naka-reply dun sa last text ko ay umisip na lang ako ng ibang motivation ng team sa individual.. basta sana lang eh tama ung sagot ko at maintindihan naman ni sir manuela.. nikakabahan na naman ako!! tapos gold, dahil hindi ka na din naka-reply.. hindi ko pa din alam kung pano ako mag-iisip ng sagot dun sa socio naten.. mejo mahaba kasi.. sayang lang kung walang virus eh di tapos na tayo.. ayun lang…  ay nahahaggard na ako.. may swimming pa ng 7am.. hay gudlak! sana matapos na ‘tong lahat para makapag-review naman ako sa stat.. another haggardness session na naman yun..

ay naku.. ang buhay estudyante talaga…

basta.. gudlak na lang sa ken!

field trip, haggardness, et. al.

February 28th, 2007 by haybuhay

28-02-07

field trip nmen sa PA151 knina.. pumunta kami sa pagsanjan.. medyo mabilis ang biyahe papunta pero hindi namin iyon agad napansin dahil papunta pa lang ay gusto ng mag-back-out ng bladder namin ni mareng vane at ng marami sa aming classmates(hehe!) si manong kasi, hindi man lang nagpa-stop-over..

pumunta sa municipal hall na kulay orange o peach ata yun.. mineet si mayor.. na artista.. binaba namin ang isang hall at ang polica station na may sign na nagsasabing, "policemen should wear their prescribe uniform" (wala talagang ‘D’ yung prescribe). actually meron pang isang sign yung tabi nito, nalimutan ko lang.. pero basta may mali pa rin sa sign na ito kasi may ‘d’ yung dulo ng isang word na dapat naman ay wala.. typographical error lang siguro..

pumunta sa ‘riverside’ kung saan dating nagshu-shooting ang dating series na pang teenager sa channel 2 (clue: ang title ng series na ito ay tagalog counterpart ng isa sa mga english words na binaggit ko kani-kanina lang), nagfeeling-feeling na kami ay mga batang noong lang nakatapak sa tubig, nagfeeling din kami na mga dating artista na doon nagshu-shooting sa dami ng photo ops, nag-feeling din kami na mga koreans habang pilit na binabati ng ‘anyong’ ang mga nagdadaang intsik, nag-feeling din kaming mga "diva" habang nagsi-sing-along sa isang nipa hut..  sumakay din kami sa bangka at sobrang ang ingay lang namin dahil sa pag-aakala naming tutumba kami.. ang dami ba naman namin.. at panalo lang ang linya ko habang nagpi-picture-picture, ("oh my god! there’s something in my feet!")

pumunta sa ancestral house ng lahi ng dating president (clue: hindi siya masyadong dati..) kamag-anakan kasi ni mayor si dating presidente…

nagpunta rin kami sa malaking elementary school sa tapat ng ancestral house at nag-feeling na mga grade 1 students habang nagpapa-picture ng mala-class picture sa may hagdanan ng isang hall na may monumento ng ating national hero. inikot namin ang school, hindi ko na alam kung san kami lumabas basta iba ang nilabasan namin at naglakad-lakad kami sa paligid hanggang sa

marating namin ang bilihan ng pasalubong at ang katapat nitong bilihan ng sapatos… bibili na sana ng sandals ang isa sa madami kong mare nang dumating ang madami kong mare para sabihing, "tara lets!"

matapos maglakad ng konti narating namin ang simbahan, pumasok at nagdasal. (^_^) syempre ayoko ng sabihin kung ano yung sinabi ko kay Jesus, amin na lang yun..

tapos pag labas ng simbahan, nagpa-libre kami kay classmate sa 151 na medyo closeness namin! hehehe! masarap ang scramble! thanks!

tapos bumalik na kami sa bus.. kung akala nio saglit lang ang lahat ng ito, ay mali kayo dyan, 10am-5pm kami dun.. ang haba diba?

p.s. nakita din namin ang nag-iisang fast food chain sa munisipyo na ayon kay meyor eh ang simbolo ng pagiging moderno ng isang lugar (ang fast food chain na ito ay laging may maAGAng pasko).. katabi nga pala ng fast food chain na ito ang palengke! astig!

na-traffic kami kaya 9 n aq naka-uwi.. at eto na ang haggardness part: kelangan kong matapos yung prob. set sa stat, yung parte ko sa essay sa socio, at yung pagre-research para sa case sa PA111.. at ano ang ginagawa ko ngayon?! nagba-blog! madyo feel ko eh haggard na ako at ang iba ko pang mare! ahehehe! good luck sa ten bukas!

at eto naman ang et. al, part… elow! tropang V.. ahahaha! ayan special mention.. kasi nang-e-et. al, na naman ako.. hahaha! lamang lang ako kay kuya tommy dito! ahahaha! kinarir ko lang ang pagiging et. al,

oh well, what a day, good night!

p.s. uli: at nag-enjoy ka namang magbasa! ahahaha!

hekhek…(^_^)

February 13th, 2007 by haybuhay

** A young, good-looking representative
from Laguna
sponsored a bill
recommending Filipino language be used
in all levels
of accounting
firms and banking institutions. The
solon claimed it
will provide a
better understanding of the business
transactions for
those who are
inexperienced and non-English speaking
citizens. The
bill received
unanimous approval from the House and
was presented to
the President
for signature to become the law of the
land. But in
spite of the
overwhelming pressure from the members
of Congress,
President Gloria
Arroyo vetoed the bill. Why? She found
out that when
the English
"business" words are translated in
Tagalog, they sound
very malicious
and are "nakaka-hiya at nakaka-kilabot!"

Here are a few sample words - English
to Tagalog

Asset - Ari
Fixed Asset - Nakatirik na ari
Liquid Asset - Basang ari
Solid Asset - Matigas na ari
Owned Asset - Sariling pag-aari
Other Asset - Ari ng iba
False Asset - Ari-ari-an
Miscellaneous Asset - Iba-ibang
klaseng ari
Asset Write off - Pinutol na pagaari
Depreciation of Asset - Laspag na pag-
aari
Fully Depreciated Asset - Laspag na
laspag na
pag-aari
Earning asset - Tumutubong pag-aari
Working Asset - Ganado pa ang ari
Non-earning Asset - Baldado na ang ari
Erroneous Entry - Mali ang pagkaka-pasok
Double Entry - Dalawang beses ipinasok
Multiple Entry - Labas pasok nang
labas pasok
Correcting Entry - Itinama ang pagpasok
Reversing Entry - Baligtad ang
pagkakapasok
Dead Asset - Patay na ang ari

** a repost from mary ellen’s bulletin post.

happy hearts day! (^_^)

*deep breath*

February 8th, 2007 by haybuhay

after everything that happened these past few days, it’s good to hear im still alive…

(ang chorva lang..)

Ayashi01b

mga bumubulong sa main lib..

January 18th, 2007 by haybuhay

grabe lang yun! pumunta ako ng main lib para tumambay. at xempre dun ako sa favorite hangout ko, sa social science section. naisipan ko na ring magbasa sa polsci malapit na kasing mag-exam. at dahil alam naman nating lahat kung gaano ako katamad magbasa, nakakaisang page pa lang ako eh naisipan ko munang umidlip. nandun na ako sa "medyo malapit nang ma-unconscious phase" ng biglang may bumulong sa ken. isipin nio yung sigaw nung batang multo sa the grudge, ganun yung narinig ko. naramdaman ko rin yung hangin sa tenga ko. nawala ang ’sobrang antok’ mode ko at bigla akong napadilat. wala namang tao sa gilid ko. inangat ko ang ulo ko at tumingin sa paligid, parang normal lang naman ang lahat, nagsusulat pa rin yung babaeng nakaupo sa kabilang dulo ng malaking mesang inuupuan ko. seryoso pa ring nagmi-meeting yung isang grupo sa likod ko at tahimik pa ring nagbabasa yung babaeng nakaupo sa kabilang mesa. grabe na yun! bigla akong natakot. first time ba ‘to? ay naku po… natakot talaga ako at dire-diretso nang lumabas ng main lib.

so ano ang lesson for the day??

‘wag matutulog sa main lib!!!!

kamusta naman di ba?

bad hair day (the chorvaness of life…)

January 16th, 2007 by haybuhay

di naman talaga ako bad hair day ngayon. may chorva lang kasi. hahaha! sige na nga share ko na. walang nakapansin na nagpagupit ako mula pa kahapon. i always recieve comments from people na ang haba na ng buhok ko (i get like two or more comments a day). but on the the brighter side of it, wala ng bumabati sa kin na ang haba ng hair ko (hindi ko kasi alam kung pano mag-respond sa ganito eh…). nakakatuwa lang, parang alam din naman nila kasi wala ding bumati (ang galing ‘no! na-amaze lang talaga ako!) sabagay, mga five-six inches lang naman ang nabawas.

anyways, formal interview na ng apps bukas.. goodluck sa inyo! kaya niyo yan! gogogo! (^_^) basta keri lang yan.

france, kamusta na yung chorva naten sa 111 basta text mo ko, ok? ay magkikita nga pala tayo bukas. ayun pag-usapan na natin. kelangan ma-chorva na ‘to para maipasa sa friday! kaya natin ‘to! kelangan na ding mahanap ang mga nagdi-disappearing act sa groupness natin!

ayun, nakita ko nga pala high school friends ko nung saturday night! hehehe! na-chorva din nila ang kahabaan ng buhok ko (di pa ako nagpapagupit that time).. ayun miss ko na kayo! MJ, xenxa di ako nakasipot nung usapan natin nung sunday, umalis kasi kami. sorry po talaga..)

cge na, magbabasa pa ako sa pol sci! ang chorva talaga! exam na next week, chapter 1-8. waaay, pa’no na naman ako makaka-survive! basta ayun lang.

ang chorva!

Soufflelyriquefluorose